|
Beach view | Nasugbu Batangas |
Ang bayan ng Nasugbu ay isang primera klaseng bayan sa lalawigan ng Batangas. Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan nito na nagtutulak upang maging isang ganap na lungsod na siyang magdadala ng mas maraming pangkabuhayan at pang-industriya sa bayan. Hindi nalalayo ang pinagmulan ng ngalan ng Nasugbu sa iba pang bayan sa Pilipinas na nabuo dahil sa mga alamat at hindi pagkakaintindihan ng mga dayuhan at katutubo. Ganito rin paniniwala sa pinagmulan ng pangalang “Nasugbu” isang matandang alamat tungkol sa mga kastila at mga katutubo. Sa pagdaan ng maraming panahon dahil na rin sa walang matibay na dokumento o ano mang bagay na makakapagpatutunay sa tunay na pinagmulan ng ngalan ng lugar, ang alamat na ito ay pangkaraniwan ngmaririnig kapag tinanong kung saan nanggaling ang pangalan ng bayan marahil ito na rin ang nakaugalian nilang paniniwala tungkol sa lugar. Sa kabuuan mayroong 42 barangay, ang bayan na ito ay nahahating pulitikal na ang ibig sabihin ang iba sa mga ito ay naturingang mga urbanisadong lugar samantalang ang natitira ay nasa estado ng rural. Karamihan sa mga tao sa Nasugbu ay mga tagalog at pangunahing salita dito ang wikang tagalog, mayroon din kaunting wikang Cebuano at karamihan sa mga tao rito ay katoliko.
|
Beach Club Properties | Nasugbu, Batangas |
Sa pamumuno ng dating presidenteng Ferdinand Marcos ang ibang bahagi ng bayan ay naging isang potensyal na lugar panturista. Mula noon nagkaroon ng isang magandang industriya ng turismo ang lugar at isa sa mga paboritong pasyalan dito ay ang kilalang beaches. Sinasabing bago pa man makita ang ganda ng Boracay at iba pang sikat na lugar bakasyunan, ang bayan ng Nasugbu ay dinarayo ng maraming tao tuwing may okasyon na siya ring ginagawa nilang bakasyon. ang lugar ay malapit sa kalakhang Maynila kaya’t hindi na nakakapagtakang ito ay popular na bakasyunan. Ang iba pang kaganapang pang-ekonomiya ay ang pag-papaunlad ng industriya sa agrikultura at agro-industrial sa pagbubuo ng lansangan mula sakahan patungong palengke (farm to market road), feed mills, pagawaan ng karne at hayupan. Ang lugar na ito ang tahan ng Central Azucarera Don Pedro ang kinikilalang pinakamalaking taggagawa ng asukal sa bansa. At dahil dito hindi maikakailang ang pangunahing hanapbuhay ng maraming tao ay ang paggawa ng iba’t-ibang minatamis at kakanin. Ang bayan na ito lamang sa buong Luzon ang siyang nagsasagawa ng bibingkahan sa mga palengke kung saan may kulang sampung uri ng mga kakanin ang matatagpuan. Dahil likas na mayaman sa kalikasan, kultura at iba pa ang Nasugbu patuloy nila itong pinapanatili at lalo pang pinapaganda ng sa gayon makilala pa ang bayan hindi lamang sa buong Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Isa sa lubos nitong pinagmamalaki ay ang mga beaches na may malinaw na tubig at sa hindi kalayuan matatagpuan ang mga resorts, hotels at maging ang Nasugbu-Batangas House For Rent na siyang tumatalakay sa accommodation needs angkop para sa mga bakasiyonista. Ito ay maghahatid ng isang maayos, komportable at ligtas na masisilungan. Hindi lamang ang mga kamangha-manghang tanawin ang makikita sa pagtira sa mga lugar na ito dahil pwede ring maranasan ang kakaibang saya sa pamamagitan ng mga watersports.
Nasugbu is situated in Batangas, Region 4, it is the largest town in Western Batangas and about travel distance of 102 kilometers from Manila via Tagaytay City, From Batangas City (provincial capitol), its distance covers about 70 kilometers.
|
Map of Batangas showing the location of Nasugbu |
No comments:
Post a Comment